Ano ang average/tipikal na pinoy?
Ako ang isang halimbawa ng isang tipikal na pinoy, lumaki sa probinsya kasama ang mga lola't lolo.
Iniwan ng nanay para mangibang bansa, habang ang tatay nagsasaka tumutulong sa bukid.
Ako yung bata palang ay tinuturuan na ng lola magbasa, magspell at kung pano gumalang sa maga
nakakatanda. Ako yung napalo na ng sinturon, hanger, tsinelas, dyaryo, pat-pat at kahit anong
pwedeng ipangpalo ng lolo/tatay pag ako'y nakagawa ng mali. Pagkatapos ay iiyak, uubo pa kunwari, lalakasan pa lalo ang iyak
para marinig ng lola, o di kaya para maawa (kaso mas pinapalo pa tuloy, sabay sigaw na: Di ka ba
titigil!). Ako yung tipikal na pinoy na nung elementary ay mahilig maglaro sa labas, napatid sa
kakaluksong-baka at luksong tinik. Nasugatan ng lata dahil sa tumbang preso, natusok sa kamay dahil
sa trumpo, nakagat ng gagamba at ilang beses ng nagkapasa dahil sa patintero. Kahit nga piko
nilalaro ko, lalo na pag yung mga barkada eh naliligo sa lawa at ako namay di pinapayagan lumabas.
Ako yung tipikal na pinoy na pagkauwi mula sa school eh diretso agad sa kapit-bahay para manuod
ng ghostfighter, iiyak pag di pinayagan ng lola. Kami yung kumakain ng hapunan sa alas singko, at
tulog na pagdating ng alas siyete. Ako yung tinuruang lagyan ng mantika ang plato at iwasiwas sa hangin
para manghuli ng mga lamok sabay gawing kumot ang kulambo habang kinikiskis ang paa ko rito.
Ako yung tipikal na pinoy na mahuhuli mong umaakyat ng puno ng mangga, bayabas, lumboy, tsiko, santol
at iba pang mga puno na may bunga na pwedeng kainin, ibenta, ibato sa mga kaaway o ibala sa straw
na ginawang sumpak. Paborito kong ulam ang saging, gatas na may asukal at bokayo sabay nagsasabaw
ng kape pag prito ang ulam. Ako yung tipikal na pinoy na nung estudayante pa lang ay nasabunutan, napalo,
nabato ng eraser, chalk at libro ng guro dahil nakikipagkuwentuhan sa katabi. Ako yung pinaikot na sa buong
kampus kasi lagi nalang late, nagpush up ng ilang beses, pinagwalis sa labas, pinagtanggal ng mga damo at pinagbunot
na ng sahig. Ako yung pilit na gustong makatapat si crush sa flag ceremenoy tapos tuwang tuwa pag nakakatabi ito.
Ako yung laging nagbibigay ng floorwax para magcomply kasi di nakakagawa ng project, ako yung
nangongopya sa kaklase dahil walang masasagot. Ako yung laging tumatayo sa klase ng matagal pag di nakakasagot
sa biglang recitation, ako ring yung laging pinagsasabihang mag-aral. Ako yung mahuhuli mong umaakyat ng bakod
nung high school para makapagcutting, tumatambay sa break water para maligo sa tabing dagat. Ako yung madadaanan
mong naglalaro ng basketball sa kalsada, walang t-shirt habang tirik ang araw. Ako yung pinoy na na pagdating
ng highschool eh nagpagawa na ng loveletter para ibigay sa crush, nagbigay ng bente para sa tula na pampakilig
sa kanya pero binasted lang kasi di raw kami pwede sa isa't isa. Ako yung laging nasusupended kasi an daming barkdada,
ako yung laging walang mapagtanungan kung pano nakukuha yung answer sa math. Ako yung nagbubukas ng libro, tapos
ilalagay sa ilalamin ng upuan pag may exam. Ako yung nakakatulog pag science ang klase, sabay nagugulat at
napapatayo kahit iba naman ang tinatawag.
Ako yung tipikal na pinoy na pagdating ng kolehiyo ay pinatira sa boarding house. Tipikal na pinoy na sipag na sipag
mag-aral nung first year palang, natutong magdota, uminom at mamarkada nung 2nd year. Nalipat sa private school
kasi nakick-out sa public dahil ambaba ng grades. Ako yung nahilig sa pancit canton, noodles, bluebay at young's town
dahil laging kinakapos sa budget kasi ginamit panginom. Ako yung manok ang ulam sa unang linggo ng buwan pero naglulugaw
nalang pagdating ng katapusan.