MONEY

UTANG


Bakit ang hirap sumingil ng utang, karamihan sa ating mga pilipino eh nahihiyang sumingil ng utang.
Imbes na ang umuutang dapat ang mahiya pag sila ay sinisingil eh yun pa tuloy na nagpautang ang nahihiya. Pag tuwing sinisingil naman eh sila pa minsan ang nagagalit. Lalo naman kung sa kamag-anak ka nagpautang, madalas eh thank you nalang ang nangyayari. Ikaw pa lumalabas na masama pag naniningil ka. Ang ganda siguro kung ang mga umuutang sayo eh sila mismo ang may kusa magbayad.

Para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, heto ang mga dapat tandaan bago magpautang:




1. May pera ka bang ipapautang? kung wala #shutupkanalang
2. May pera ka, pero sakto lang panggastos mo. Sabihin mo ang totoo, sigurado naman ako na kung di mo kaibigan ang umuutang sayo eh kamag-anak mo lang din kaya maiintindihan ka niya kung sasabihin mong wala ka ring pera.Kung di mo kakilala umuutang sayo, ingat ka baka budol-budol na yan.
3.May sobra kang pera pero ayaw mong ipautang.
para di ka naman maguilty dahil ayaw mong magpautang kahit may mapapautang ka naman, eh di pautangin mo siya pero wag yung buong inuutang niya,hindi naman ibig sabihin na humihiram sya ng limang libo eh yun na lahat ibibigay mo pwede mo rin naman siyang pahiramin ng 200 kung yun lang talaga kaya mong ibigay. at least di ba nakapagpahiram ka. Tapos damayan mo nalang siya sa problema niya. pero expect mo na na walang maiibabalik sayo, ikaw ba naman hiraman ng 5k tas 200 lang ipapahiram mo bigay mo nalang yan. Huwag mo lang ipapakita sa kanya kinabukasan na may binili kang bago para naman di ka mapasama sa kanya (makiramdam ka nalang)
4. Huwag mo ng asahan babayaran ka ng kamag-anak mo. Lagi yan, huwag ka nalang umasa. at least di ba when you least expect it bigla siyang magbayad, eh di okay pero itanim mo nalang sa isip mo na once magpautang ka sa kamag-anak mo eh wala ng babalik sayo. ganun naman lagi di ba, kung sino pa yung pinagkakatiwalaan mo
eh siya pang manloloko sayo. mabait, malambing, nakakatuwa sa simula pero pag nakuha na ang gusto eh kakalimutan ka nalang #hugot.
5. #Remind. iremind mo siya sa petsa na nabanggit niya na babayaran ka, iremind mo ulit after 1 week with 1 week interval. kalimutan mo nalang pag isang taon na wala parin. di na babalik yan!
6. Tandaan mo yung mga taong pagpinautang mo eh tumutupad sa usapan, okay yan sila. dun naman sa minsan ka ng niloko, huwag mo nalang silang pautangin ulit, anyway kadalasan naman niyan eh hindi ka na uli uutangan ng taong may utang pa sayo. Except kung makapal nalang tlaga mukha niya.

"Always remember, wag mahiyang humindi".

No comments:

Post a Comment